Sinabi ng mga opisyal ng kalusugan ng Japan na ang rubella, o German measles o tigdas, ay tumataas nang husto at higit sa 70 porsiyento ng mga kaso ay nasa Tokyo at ang nakapalibot na mga prefecture.
Ang impeksiyon ay dumami mula pa noong Hulyo at ang mga institusyong medikal sa buong Japan ay nag-ulat ng 75 na bagong mga kaso noong linggo hanggang Setyembre 2. Na nagdala ng kabuuang 362, at minarkahan ang pinakamataas na bilang ng mga kaso mula noong malaking pagtaas noong 2013.
Kasama sa mga sintomas ang lagnat at rashes at ang impeksyon sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring magresulta ng kumplikasyon sa mata, tenga o puso para sa sanggol.
Ang National Institute of Infectious Diseases ay nagsabi na ang mga kababaihan na maaaring mabuntis ay dapat makatanggap ng pagbabakuna na sinusundan ng isang booster shot.
Ito ay pagtawag sa mga miyembro ng pamilya upang isaalang-alang ang pagbabakuna, kung hindi pa nagkakaroon ng sakit o walang mga rekord ng pagbabakuna.
Sinasabi rin nito na ang mga tao na nasa kanilang 30s at sa kanilang 50s na walang mga regular na bakuna noong bata pa ay dapat na masuri para sa mga antibodies at dapat sineseryoso at isaalang-alang na magpabakuba laban sa impeksyon.
Source: NHK World
Join the Conversation