Pinay, arestado sa kasong pamama-lakad ng pekeng kasal

Pinay na manager ng isang Pub, inaresto dahil sa pagpapa-lakad ng mga pekeng kasal sa mga pinay at mga hapon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ema Hiratsuka, 50

Sa pinag-sanib na imbestigasyon ng Tokyo Law Enforcement Division at Fukushima Prefecture, arestado ang isang pilipina na piang-hihinalaang nagpapa-lakad ng mga pekeng kasal ng pilipina at hapon, ayon sa ulat ng Kyodo News.

Ayon sa mga pulis, si Ema Hiratsuka 50 anyos, isang manager ng pub sa Taito Ward ng Asakusa Area, ay pinag-hihinalaan na nag-susumite ng mga papeles sa government authorities sa kapitolyo upang ipasa ang 10 pekeng kasal ng mga pilipina at mga hapon sa pagitan ng mga taong 2013 hanggang 2017.

Mga pilipina ang nagtatrabaho sa pub na pinamamahalaan ni Hiratsuka. Ang dahilan kung bakit nagpapa-kasal ng peke ay upang maging legal ang pagiging residente ng pilipina sa bansang Japan. Kabilang dito ang kaso ng 22 anyos na pilipina na pumasok sa pekeng kasal sa isang 38 anyos na hapon.

Maliban kay Hiratsuka, mayroon din inaresto na 25 katao dahil sa parehong dahilan. Kabilang dito ay ang 50 anyos na si Hiroyuki Hoshino. Ang suspek ay inaresto dahil sa kasong pamemeke ng notaryong dokumento.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund