Pinaka mataas na tala ng kaso ng Rubella sa bansang Japan

Rubella Virus, patuloy na tumataas ang bilang ng kaso sa bansang Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Umabot ng 5 beses na taas ng tala ang kaso ng Rubella sa Japan sa loob ng 5 taon.

Sinabi ng mga opisyal ng kalusugan ng Japan na ang Rubella o German Measles ay laganap sa Japan simula pa lamang ng taon. Ito ay nai-talang pinaka-mataas na bilang sa loob ng 5 taon.

Sinabi ng National Institute of Infectious Diseases nuong Miyerkules, na ang kabuoang bilang ng kaso ng Rubella sa tong ito ay umabot na ng 496. Ito ay higit na 5 beses na pigura kumpara sa mga nai-talang kaso ng mga nakaraang taon.

Mahigit 70% ng kasong naitala ay mula sa Tokyo at mga karatig na Prepektura nito.

Sa pag-tatapos ng linggo, ika-9 ng Septyembre, mahigit 127 na baging kaso ng Rubella ang naitala ng mga medikal na institusyon sa buong bansa.

Ito ay minarkahan sa unang pagka-kataon sa panahong ito na pinaka-mataas na bilang ng mga bagong kaso sa loob lamang ng isang linggo sapagkat ito ay lumagpas ng mahigit sa 100.

Kabilang sa mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng lagnat at rashes. At kapag ang isang buntis ay nagkaroon niyo habang siya ay nag-dadalang tao, maaaring magkaroon ng komplikasyon ang bata na nag-reresulta sa sakit sa paningin, pandinig at sakit sa puso.

Tinatawagan ng mga institusyon ang lahat ng kababaihan na maaaring mag-buntis o nag-paplanong mag-buntis na magpa-bakuna at sundan ng booster shot.

Hinihikayat din ang lahat ng miyembro ng pamilya pati na rin ang mga taong malapit sa nag-bubuntis na magpa-bakuna. Alalahanin kung kayo ay nagkaroon na ng ganitong sakit o di naman ay nabakunahan na ng 2 beses laban sa nasabing sakit.

Sinabi rin dito na ang mga kalalakihang nag-eedad na 30 hanggang 50 ay dapat rin magpa-check ng antibodies at kunsiserahin na magpa-bakuna dahil sila ay hindi napa-ilalim sa pag-babakuna nito nuong sila ay bata pa.

Source: NHK World

Image: Kyodo News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund