Isa sa nangunguna shipping firm sa Japan ay nag-bukas ng isang pribadong Maritime Academy sa Pilipinas. Ang hakbang na ito ay tama lamang dahil humaharap sa kakulangan ng crewmembers ang Maritime Transportation Industry.
Dumalo ang presidente ng Mitsui O.S.K Lines, Ministro ng Philippine Transportation at 300 mag-aaral ng nasabing academy nuong Opening Ceremony.
Ang training facility ay mayroong engine ng isang container ship na kasing laki ng 3-storey na building. Gagamitin ng mga estudyante ang nasabing makina bilang parte ng kanilang pag-sasanay.
Mayroon din na stimulation module ang pasilidad kung saan maaaring mag-ensayo ang mga estudyante sa iba’t-ibang uri ng panahon at vessel-traffic condition.
Ang presidente ng Mitsui .O.S.K Lines na si Junichiro Ikeda ay nag-sabi na “Hangad namin na pumili ng mga talentadong pilipino upang hubugin sila na maging isang high-qualified na mandaragat.”
Sinabi rin ng isang opisyal ng kompanya na ang isang mag-aaral na nag-tapos sa academy ay gagarantiyahan na may trabaho sa O.S.K Lines o di naman ay iba pang mga kompanya nito sa Pilipinas.
Tumataas ang bilang ng pangangailangan ng transportasyon sa karagatan sa buong mundo dahil sa pagangalakal ng likas na yaman.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation