TOKYO.
Nakitaan ang Japan ng pagtaas ng mga banyagang mag-aaral na nag-aaral sa mga nursing care school, na ang bilang ay halos doble sa akademikong taon sa gitna ng kakulangan sa maggagawa sa caregiving, ayon sa isang survey noong Lunes.
Isang kabuuang 1,142 na mga dayuhang estudyante na naka-enroll sa mga paaralan na may nursing care programs noong Abril, mas mataas mula sa 591 noong nakaraang taon, ayon sa isang survey ng Japan Association of Training Institutions para sa Certified Care Workers.
Ang bilang ng mga dayuhang mag-aaral ay nagsimulang tumataas mula 2015 at nakakuha ng momentum kasunod ng isang legal amendment noong Setyembre na ginawang mas madaling makakuha ng residence status para sa certified caregivers.
Ang pinakabagong figure ay nangangahulugang isa sa anim na estudyante ng nursing care sa Japan ay foreigner, dahil ang bilang ng mga estudyante na Hapon ay humina sa nakaraang limang taon sa 5,714 noong Abril, ayon sa survey na isinagawa sa 365 institusyon na may nursing care programs kabilang ang mga vocational school, junior college, at mga unibersidad.
Umiiwas ang mga estudyanteng Hapon sa kursong ito dahil sa itinuturing ito na mabigat na trabaho at may mababang pasahod. Ang average na buwanang pasahod sa caregiving sector ay halos 100,000 yen na mas mababa kaysa sa iba pang mga industriya.
Sa lahat ng mga dayuhang mag-aaral, ang mula sa Vietnam ay umabot sa 542, na sinusundan ng mula sa China sa 167, Nepal sa 95, Indonesia sa 70, at Pilipinas sa 68.
Sinisikap ng gobyernong Hapones na palawakin ang saklaw ng pagtanggap ng mga dayuhang manggagawa sa sektor, dahil ang bansa ay inaasahang makakita ng kakulangan ng 340,000 na caregivers sa 2025 kapag ang mga tao sa boomer generation ay umabot na 75 taon o mas mataas.
Ngunit hindi sigurado na magpapatuloy pa ang pagtaas ng mga dayuhang mag-aaral sa Japan dahil ang iba pang mga bansa tulad ng Germany, Britain, Estados Unidos at Singapore ay naghahanap din ng mga dayuhang manggagawa para sa caregiving sector.
Kailangan ng Japan na magbigay ng isang mas kaakit-akit na environment sa trabaho tulad ng pagpapataas ng sahod at suporta para sa childrearing upang mapanatili ang pag-akit sa mga dayuhang caregivers, sabi ni Miku Ishibashi ng Daiwa Institute of Research.
Source: Kyodo
Join the Conversation