Pag-unawa sa sistema ng pensyon sa Japan, Part 3: Paraan ng pag-kolekta

Mga dapat malaman ukol sa pag-tanggap ng benepisyo mula sa pensyon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Paraan ng pag-tanggap ng Pesyon sa Japan.

Kung ikaw ay naninirahan at nag-tatrabaho sa bansang Japan ng mahigit isang taon na, minsan hindi mo maiwasang tanunging ang iyong sarili para sa iyong hinaharap, lalo na sa pag-iisip kung saan napupunta o anong nangyayari sa kontribusyon sa pamahalaan ng Japan na buwanang kinakaltas sa iyong sahod.

Sa Part 1 niti aming serye, ipinaliwanag namin ang sistema at paraan ng pag-bayad ng pension. Sa Part 2 naman ay ipinaliwanag kung magkanong halaga ang ikinakaltas sa buwanang sahod bilang kontribusyon sa pension. At ang Part 3 at huling parte nitong serye ay ibabahagi namin sa inyo kung paano makokolekta at matatanggap ang benepisyong pera mula sa inyong pension.

Paraan mg pag-tanggap ng pension sa Japan:

Kailangan ay ikaw ay 65 taong gulang na. Kahi hindi naninirahan sa bansang Japan (ang pension ay maaaring buwanang matanggap saan mang lugar sa mundo.) Ipag-palagay na kayo ay nakapag-contribute ng mahigit na 10 taon sa pension at hindi nagpa-lump sum nuong lumisan sa Japan. Kapag ang isang tao ay nasa edad na ng pag-reretiro, kinakailangan lamang na mag-report sa inyo Local Japanese Pension Service Office at mag-apply upang maka-tanggap ng pension.

Kailangan na mayroon kang form ng “Claim for National Pension/ Employee’s Pension Insurance” (Para sa mga senior citizen o disability pension). Kung ikaw ay naka-tira sa ibang bansa, maaaring kumuha ng kopya nito sa pamamagitan ng pag-apply sa Social Security Office sa bansang inyong kinaroroonan o saan mang lugar ninyo napag-desisyonang mag-retiro.

Sa ngayon, maaari na kayong mag-apply na maka-tanggap ng pension nang maaga (60 taong gulang) ngunit, ito ay hindi namin inire-rekomenda hanggang sa sumapit kayo ng 65 anyos. Dahil kapag maagang nag-simula ng pag-kolekta sa inyong pensikn, ito ay babawasan ng 0.5 percent mula sa kabuoang halaga ng inyong benepisyo. Tinatantyang nasa 30 % ang ibabawas kapag tinanggap ng 60 anyos, 24% naman kapag 61 anyos at wala kapag 65 anyos.

Sa mga nag-bayad ng kontribusyon sa pamamagitan ng kanilang employee’s pension plan o kosei nenkin, tinatantyang nasa 50% ng kanilang buwanang kinikita nuong sila ay nag-tatrabaho pa ang matatanggap nila mula sa kanilang pension. Halimbawa, kung sila ay sumusweldo ng ¥300,000 kada buwan sila ay maka-tatanggap ng ¥150,000 mula sa kanilang pension.

Para naman sa mga nag-babayad sa National Pension o Kokumin Nenkin, sila ay makaka-tanggap ng tinatantyang ¥779,300 sa isang buong taon. Ito ay hindi kasing taas ng halaga tulad nang sa employee’s pension. Ito ay dahil sa maliit na halaga lamang ang naiko-contribute sa National Pension.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund