YOKOHAMA
Isang ina na nakasakay sa isang electric bicycle na angkas ang kanyang dalawang anak ang inihatid sa opisina ng mga prosecutors sa Yokohama, Kanagawa Prefecture upang sampahan ng kaso, matapos mamatay ang isang taong gulang na anak na lalaki sa isang aksidente.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente noong Hulyo. Ang 38-anyos na babae, isang guro sa nursery school, ay nakasakay sa kanyang electric bicycle nang siya ay matumba sa Tsuzuki Ward ng Yokahama, iniulat ng Fuji TV. Noong panahong iyon, ang kanyang 16-buwang gulang na bunsong anak na naka-strap sa baby sling ay naipit sa harap ng kanyang katawan at namatay pagkatapos na mabagok ang ulo sa pagkahulog.
Ang kanyang tatlong taong gulang na anak na lalaki, na nakasakay din sa bisikleta, ay hindi nasaktan.
Ang isang payong na nakabitin sa kaliwang kamay ng ina ay pinaniniwalaan sumabit sa gulong ng bisikleta.
Sinabi ng pulisya na ang babae ay kakasuhan ng involuntarily man-slaughter.
Source: Japan Today
Join the Conversation