Ang mga prosecutors ay nag-indict ng isang 27-taong-gulang na lalaki para sa pagpatay sa 9 katao sa kanyang apartment sa Zama City na malapit sa Tokyo.
Ayon sa sangay ng Office of Public Prosecutors ng Distrito ng Tokyo, ang suspect na si Takahiro Shiraishi ay haharap sa iba’t-ibang kaso mga kabilang ang kasong murder na nagsimula noong Lunes.
Si Shiraishi ay naaresto noong nakaraang Oktubre at main suspect sa pagpatay ng 8 na babae at isang lalaki na may edad na 15 hanggang 26 sa loob ng 3 buwan. Ang mga labi ng mga biktima ay natuklasan sa loob ng mga cooling box.
Sinabi ni Shiraishi sa mga imbestigador na nakilala niya ang mga biktima sa pamamagitan ng Twitter at dinala ang mga ito sa hiwalay na pagkakataon sa kanyang apartment. Ipinagtapat din niya ang pagnanakaw ng pera mula sa kanila.
Ang suspek ay nakaranas ng 5-buwan na eksaminasyong psychiatric na nagsimula noong Abril.
Sinasabi ng mga tagausig na natagpuan na siya ay nasa tamang pag-iisip upang tumayo sa trial ng korte. Sinabi nila na walang mga pagkakaiba ang nakita sa kanyang mga account ng mga pagpatay.
Ang serial murder case na gumulat sa buong Japan ay susuriin sa korte sa pamamagitan ng lay judge system.
Source: NHK World
Join the Conversation