Ang lungsod ng Sapporo na tinamaan ng lindol sa Hokkaido Prefecture ay nagbabawas ng serbisyo at operasyon ng subway upang makatipid sa kuryente.
Sinimulan ng Sapporo ang pagbawas noong Lunes habang ang mga residente at mga negosyo sa prefecture ay hiniling na matugunan ang 20 porsiyento na target sa pag-save ng kuryente. Ang pinakamalaking planta ng thermal power ng Hokkaido ay inaayos matapos itong mapinsala ng malakas na lindol noong Huwebes.
Ang lungsod ay magbibigay ng 30 na mas kaunting mga tren sa isang araw mula 10:00 hanggang ika-4 ng hapon. Ang bilang ng mga streetcars ay babawasan mula 9:30 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon.
Ang isang pasahero sa subway ay nagsabi na ang mga negosyo ay nangunguna sa mga pagsisikap sa pag-save ng kuryente, at handa din ailang magtiis sa kung ano man abala na maidudulot nito.
Source: NHK World
Join the Conversation