Mga banyagang turista at byahero nagpa-lipas ng gabi sa isang shelter aa Sapporo

Mahigit 500 turista at byahero ang nagpa-lipas ng gabi sa emergency shelter sa sapporo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mga banyagang turista at byahero habang nagpapa-lipas ng gabi sa isang shelter sa Sapporo.

Mahigit 500 turista at byahero ang kabilang sa mga nagpa-lipas ng gabi sa isang shelter sa Sapporo, ang capital city ng nilindol na prepektura ng Hokkaido.

Gumawa ng 5 shelter ang lungsod para sa mga byahero na nai-stranded. Ipinasara nang pansamantala ang mga malapit na paliparan at ipina-tigil naman ang mga serbisyo ng tren.

Dito ay binigyan ng tubig at pagkain ang mga tao. May mga power outlets din upang makapag-charge ng kani-kanilang mga smartphones at iba pang gadgets ang mga byahero.

Isa sa mga serbisyong ibinigay ng shelter ay ang charging area.

Ang iba ay nanuod ng balita sa telebisyon habang ang iba naman ay natulog at nagpa-hinga sa mga upuan. Karamihan sa mga turista ay nag-mula pa sa ibang bansa kung-kaya’t nag-bigay ng mga english pamphlets ang mga staff ng shelter upang maka-tulong at makapag-bigay ng impormasyon ukol sa transportation services.

Ang 33 taong gulang na Brazilian ay nagpapa-salamat at nanduon siya sa loob ng shelter at wala sa kalsada. Sinabi nito na plano niyang bumyahe mula Sapporo hanggang Kyoto nitong Huwebes at ito ay nais niyang pa rin ipag-patuloy.

Isang 25 anyos na babae at ang kanyang nobyo na nag-mula pa sa Britain ay nag-sabing, nahihirapan sila na intindihin ang mga impormasyon para sa transportation service dahil kadalasan dito ay naka-sulat sa wikang hapon lamang.

Source and Image: NHK World

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund