Mga banyagang Caregiving Trainees, bibigyan ng financial aid upang makapag-aral ng wikang Hapon

Gobyerno ng Japan nilalayon na bigyan ng sapat na budget sa pag aaral ng wikang hapon ang mga dayuhang caregiving trainees.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mga caregiving trainee sa Japan.

Ang Labor Ministry ay mag-lulungsad ng bagong sistema upang maka-tulong sa pinansyal na gastusin ng mga dayuhang trainees sa larangan ng pag-aalaga at makuha ang teknikal na kaalaman sa gitna ng lumalaking pangangailangan para sa mga dayuhang mangga-gawa, sinabi ng mga opisiyal ng Ministro nuong Lunes.

Ang mga dayuhang trainees ang inaasahang punan ang kakukulangan ng mga mangga-gawa sa larangan ng caregiving sa Japan, ngunit mataas na antas dapat ang kanilang kaalaman sa wikang hapon. Upang maakit ang mas maraming dayuhang trainees sa bansa, layunin ng gobyerno na mas mapabuti ang pag-aaral ng wikang hapon.

Ang Ministry of Health, Labor at Welfare ay humihiling ng budget na nagkaka-halaga ng 1.3 bilyon yen ($11.6 milyon) para sa Abril ng susunod na taon.

Ayon sa ministeryo, ang pasilidad na tumatanggap ng dayuhang trainee ay karapat-dapat na maka-tanggap ng subsidy sa bawat prepektura. Ang halaga ng tulong pinansyal kada kapita ay pagpa-pasyahan ng Gabinete matapos magtakda ng draft budget sa katapusan ng taon.

Ang mga dayuhang taga-pangalaga ay maaaring tumanggap ng subsidy para sa pag-dalo sa mga pag-aaral ng wikang hapon. Kasali rin dito ang pambili ng mga materyales sa pag-aaral na upang maka-kuha ng pag-susulit sa Japanese Language Proficiency Test. Kwalipikado rin ang mga nag-tuturong guro sa mga caregiving facilities sa pag-tanggap ng subsidy.

Ang mga dayuhang caregiving trainees ay dapat naka-iintindi ng basic Japanese na katumbas ng N4 (5 kategorya ng pag-sasanay sa Wikang Hapon kung saan N1 ang pinaka-mataas) sa unang pagka-kataon nilang pumunta sa Japan. Sa ikalawang taon ang mga trainees ay dapat mai-pasa ang N3.

Isinasaalang-alang ng gobyerno ang gagawing remedyo para sa mga trainees na hindi pumasa sa pag-susulit na N3, upang ang mga ito ay mapanatili sa Japan.

Ang gobyerno ay nag-lalayong simulan ang pag-tanggap ng mas maraming dayuhang mangga-gawa mula sa buwan ng Abril sa bagong sektor ng residence status tulad ng Nursing Care, Agriculture, Construction at Lodging and Ship Building kung saan malaki ang kakulangan sa mga mangga-gawa.

Ipina-kilala ng Japan ang programa ng pag-sasanay para sa mga dayuhan nuong taong 1993 na nag-lalayong sanayin ang kakayahan upang mag-punta sa mauunlad na bansa. Ngunit ang programang ito ay binatikos at pinunan ng puna dahil maaari itong cover up lamang sa pag-papatupad ng cheap labor.

 

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund