Mahigit sa 3,000 katao ang na-stranded at nagpalipas ng gabi sa Kansai International Airport sa kanluran ng Japan matapos ang bagyo na nagdulot ng isang tanker na bumagsak sa isang tulay na nag-uugnay sa airport at sa mainland.
Ayon sa airport personnel, mga 2,600 katao ang nagpalipas ng gabi sa terminal 2 at ang 350 katao ay nasa mga commercial facilities at hotel. Ang mga pasahero ay binigyan ng mga meryenda.
Maraming mga airport workers din ang hindi nakauwi.
Sinabi ng operator na susuriin nito ang tulay sa Miyerkules ng umaga at kung walang problema na matagpuan, isasakay sa bus ang mga pasahero.
Ang paliparan, na itinayo sa man-made island, ay sarado mula Martes ng hapon dahil sa pagbaha.
Ngunit sinabi ng operator na mananatiling sarado ang paliparan sa Miyerkules.
Source: NHK World
Join the Conversation