Isang bangkay ng lalaki ang nakita matapos ang isang pag-sabog sa Kyushu University nitong buwan lamang buwan. Pinaniniwalaang nagpa-tiwakal ang ang lalaki na siyang dahilan ng pag-sabog na naganap sa unibersidad, ayon sa ulat ng Mainichi Shimbun nuong ika-15 ng Septyembre.
Bandang alas-6:40 ng umaga nuong ika-7 ng Septyembre, isang malaking pag-sabog ang naganap na nagpa-guho sa unang palapag ng 3 storey building ng nasabing unibersidad sa Lungsod ng Fukuoka. Mahigit 110 square meter ang na-damage na espasyo dahil sa sunog bago tuluyang napatay ang apoy.
Ayon sa Higashi Police Station, ang nag-mamay ari ng DNA analysis na isinagawa sa labi na nakuha sa gusaling natupok ng apoy, ay sa isang 46 anyos na lalaking gumagamit ng laboratoryo kung saan nag mula ang pag-sabog.
Pagka-sunog ang dahilan ng pagka-matay ng nasabing lalaki. Hindi pa matukoy kung ano ang sanhi ng pag-sabog ng laboratoryo. Isinumite na ng mga kapulisan sa piskal ang kasong inihain sa lalaki na “suspicion of arson in an inhabited building”.
Ayon sa Kyushu University, ang nasabing lalaki ay nag-dropped out sa isang doctoral program nuong taong 2010. Matapos hindi makapag-bayad ng upa sa laboratoryong ginagamit, gumawa ng hakbang ang unibersidad upang ito ay mapa-alis. Walang klase nuong sumabog ang gusali dahil summer break pa nuon.
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation