Japanese airlines mag-aalok ng discount para sa mga taong may mental disorders

Isang kabuuang 10 na mga air carrier, kabilang ang Japan Airlines Co at All Nippon Airways Co, ay nagpasya na palawakin ang saklaw ng mga espesyal na pamasahe upang isama ang mga taong dumaranas ng mga karamdaman tulad ng depression, epilepsy at autism, bilang karagdagan sa mga may pisikal at intelektuwal na kapansanan .

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Reuters File

KAGOSHIMA. Ang Japanese Airlinez ay magsisimulang mag-alok ng hanggang 50 porsyentong discount sa mga domestic flight sa mga biyahero na may mental disorder, napag-alaman ayon sa isang source noong Martes.

Isang kabuuang 10 na mga air carrier, kabilang ang Japan Airlines Co at All Nippon Airways Co, ay nagpasya na palawakin ang saklaw ng mga espesyal na pamasahe upang isama ang mga taong dumaranas ng mga karamdaman tulad ng depression, epilepsy at autism, bilang karagdagan sa mga may pisikal at intelektuwal na kapansanan .

Ang desisyon ay dumating pagkatapos ng pagpapatupad ng isang bagong batas na naglalayong pagbutihin ang paggamot ng mga taong may mga kapansanan.

Ito ang unang pagkakataon na ipinakilala ng mga airlines sa Japan ang isang espesyal na discount para sa mga taong may karamdaman sa isip, ayon sa ministeryo ng transportasyon.

Ang JAL group ay magsisimulang tumanggap ng mga reservations para sa discount simula Oktubre 4, samantalang plano ng iba pang mga airline na ipatupad ang bagong patakaran hanggang  Enero ng susunod na taon.

Sa ilalim ng bagong sistema, ang discounted na pamasahe ay makukuha rin ng isang caregiver na naglalakbay sa parehong flight bilang tagapag-alaga at ang mga pasaherong may mental disability ay kailangang na may maipakita na isang opisyal na dokumento na galing sa hospital na nagpapatunay sa kanilang kondisyon.

Ang programa ng discount ay ipinakilala ng ilang mga railway, bus at ferry company kasunod ng pagpapatupad ng 2016 na batas para maalis ang diskriminasyon laban sa mga taong may kapansanan.

Source: Kyodo

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund