Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang 45 anyos na lalaki dahil sa umano sa pan-loloko nito sa isang senior citizen na ginang sa Adachi Ward. Gumamit umano ang suspek ng delivery service para maisakatuparan ang kanyang panloloko, mula sa ulat ng TBS News.
Nitong simula ng buwan lamang, si Shigo Fukui, residente ng Koshigaya City, Saitama Prefecture ay nag-padala ng Post Card sa isang 70 anyos na ginang. Ang suspek ay nag-panggap bilang taga- Minister of Justice at nag-sabi sa ginang na kailangan bayaran ang 3 milyong yen upang maayos ang resulta ng kina-haharap nitong kaso.
Ipina-dala ng ginang ang pera gamit ang serbisyo ng isang delivery service sa isang address. Sa kalaunan, ang ginang ay nag-suspetsa na may kakaiba sa ipinagawa sa kanya ng suspek, kung-kaya’t agad nitong ipina-alam sa mga awtoridad ang nangyari. Agad namang napag-alaman ng mga pulis ang pangalan ng tatanggap ng package.
Pinabulaanan ni Fukui ang mga alegasyon sa kanya. Sinabi umano ni Fukui sa mga awtoridad na “Hindi ko alam na may perang naka-lagay sa loob ng package!”
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation