Inaresto ng mga Nagasaki Prefectural Police ang 31 anyos na lalaki matapos hambalusin ang isa nitong katrabaho habang sila ay nasa company bbq party sa Unzen City nitong weekend, ayon sa ulat ng Sankei Shimbun.
Bandang alas-4:20 ng hapon nuong ika-9 ng Septyembre, pinalo umano ni Yohei Araki sa mukha si Fumio Makise 36 anyos at isang part-time worker sa nasabing kumpanya. Ang pag-palo na iyun ay nag-resulta sa pag-bagsak at pag-bagok ng ulo ng biktima.
Kalaunan ay idineklara nang patay si Makise dahil sa pinsalang natamo nuong siya ay bumagsak. Ayon sa ulat ng mga pulis, ang dahilan ng pagka-matay ng biktima ay Subarachnoid Hemorrhage. Martes nang kinasuhan si Araki ng kasong Manslaughter.
Tinatantyang isang dosenang katao ang dumalo sa nasabing event, na ginanap sa ground kanilang kumpanya.
Ayon sa mga pulis, ang biktima at ang suspek ay naka-inom na ng alak bago mangyari ang insidente.
Iniimbestigahan ngayon ng mga pulis kung ano ang naging ugat ng pag-aaway ng dalawa na nauwi sa pag-panaw ng biktima.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation