Ginamit ng isang yakuza boss bilang panakot ang kanyang mga tattoo

Yakuza boss, hinuli dahil sa pananakot sa isang estudyante.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ina-resto ng Gifu Prefectural Police ang isang 49 anyos na Boss ng isang Criminal Syndicate dahil sa pag-papakita ng tattoo bilang panakot sa isang university student, mula sa ulat ng Sankei Sports.

Nuong gabi ng ika-23 ng Septyembre, ang boss ng gang affiliated sa Yamaguchi Clan ay nagpa-kita ng kanyang “irezumi” na tattoo na bumabalot sa kanyang likod at dibdib sa isang university student sa parking lot ng isang convenience store sa Mizuho City.

Ayon sa Kitagata Police Station, “You are a joke! Ako Yakuza!!” paulit-ulit umanong sinabi ng suspek habang tinatakot ang mag-aaral.

Ang mga miyembro ng Japanese Organized Crime Syndicate ay kilala sa pagkakaroon ng makjkulah na irezumi tattoo sa bumabalot sa kanilang mga katawan.

“Wala akong kinalaman diyan!” saad ng gang member sa mga alegasyon sa kanya, matapos na ito ay damputin ng mga pulisya nuong sumunod na araw.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, ang suspek at ang biktima ay nagkaroon ng argumento dahil sa parking space.

Source and Image: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund