Company employee at isang Pilipino, arestado sa hinalang pagpasok sa bahay at pagnanakaw ayon sa surveillance ng prefectural police

Inaresto ng prefectural police sa Saitama noong ika-11 ng Setyembro ang isang company employee, isang Pilipino at isa pang suspect sa hinalang pagpasok sa bahay at pagnanakaw.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Saitama Shimbun Online

Inaresto ng prefectural police International Investigation Division at Urawa Nishisho sa Saitama noong ika-11 ng Setyembro ang isang company employee, isang Pilipino at isa pang suspect sa hinalang pagpasok sa bahay at pagnanakaw sa Saitama-shi Sakura-ku Dojo 3-chome.

Ang inaresto ay isang lalaking Pilipino, 24 taong gulang, walang trabaho at tiyak na address, isang company employee, 23 taong gulan at isa pang hindi natutukoy na suspect.

Ang pinaghihinalaang mga suspect ay pumasok sa mansion ng isang company employee, 29 taong gulang, sa Toda city ng bandang alas-9 ng gabi noong Abril 27 hanggang alas-8 ng umaga ng Abril 28 nagnakaw ng mahigit 80,000 yen sa cash.

Ayon sa parehong seksyon, ang tatlong suspect ay magkakilala sa lugar.  Mula noong Oktubre ng nakaraang taon hanggang Abril ngayong taon, tatlong tao ang nakikita sa mga cctv ng siyudad sa panahon na may nagaganap na panloloob at pagnanakaw sa mga bahay ng  Saitama City at Toda City.

Ang mga kalalakihan ay tila paulit-ulit na isinasagawa ang mga krimen na pawang tina-target ang mga hindi naka-lock na bahay. Maaaring involve ang mga ito sa dose-dosenang mga krimen sa prefecture. Sinisiyasat ng prefectural police ang relasyon sa kada krimen.

Source: Saitama Shimbun Online

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund