Nararamdaman na ang malamig na simoy ng hangin na dala ng panahon ng tag-sibol. Isinabay rito ng McDonald’s ang kanilang binagong Green Tea Dessert Drinks na ilalabas ngayong linggo. Ipinaki-kilala ang Kuromitsu Kinako Matcha Frappe (¥490) para sa mga green tea lovers.
Kilala ang bansang Japan sa pag-gawa ng iba’t-ibang klase ng inumin na gawa sa tsaa. Ang green tea matcha powder na mula pa isang lugar sa Japan na kilala sa pag-gawa ng tsaa ay galing sa lungsod ng Uji sa Kyoto. Ang inumin na ito ay green tea matcha based na nilagyan ng whipoed cream sa ibabaw at binudburan ng Kinako (isang soybean powder na parang cinnamon), nilagyan din ito ng Kuromitsu syrup na gawa sa pulang asukal mula sa Okinawa, 3 Shiratama dumplings, at gatas mula sa Japanese Dairies.
Kung ayaw naman ng masyadong maraming toppings, maaari rin tikman ang Matcha Latte Frappe (¥450) na walang ibang toppings kung hindi whipped cream na binudburan ng extra matcha powder.
Kung ayaw naman ng ma-yelong inumin ngunit katamtaman ang lamig maaring subukan ang Matcha Latte (¥390).
Hindi mag-tatagal at mararamdaman na rin ang lamig ng simoy na hangin na dala ng tag-sibol, kung-kaya’t habang nagre-relax at nakatingin sa labas ng bintana o nag-babasa ng libro, bakit hindi subukan ang Hot Matcha Latte na pina-yaman sa lasa ng tsaa.
Hindi na bago sa ganitong inumin ang McDonald’s ngunit ngayon mas dinoble nila ang lasa ng tsaa na talaga namang babalik-balikan ng mga mahilig sa tsaa. Ang Matcha Frappe ay available hanggang sa kalagitnaan ng Oktubre at hanggang Nobyembre naman ang mga Latte.
Source: Japan Today
Image: McDonald’s Japan
Join the Conversation