Sinabi ng US spaceflight venture na SpaceX na ang Japanese entrepreneur na si Yusaku Maezawa ang magiging unang pribadong pasahero na lilipad sa paligid ng Moon sakay ang kanilang next-generation rocket.
Ang SpaceX CEO na si Elon Musk ay nagbigay ng pahayag kasama si Maezawa sa isang pabrika ng rocket sa Los Angeles noong Lunes. Si Maezawa ang CEO ng Start Today Company, na nagpapatakbo ng pangunahing online na fashion website ng ZOZOTOWN.
Nakangiting sinabi ni Maezawa: “Sa wakas, maaari ko ng sabihin sa inyo na pinili kong pumunta sa Buwan.” Idinagdag niya na siya ay nasasabik, very honored at nagpapasalamat.
Sinabi ni Maezawa na mag-iimbita siya ng ilang artist mula sa buong mundo na sumali sa kanya on board sa Big Falcon Rocket para sa kanyang biyahe sa Buwan, na naka-iskedyul para sa 2023.
Ang biyahe ay inaasahan na magiging una sa pamamagitan ng isang pribadong kompanya ng espasyo. Ang huling pagkakataon na ang mga tao ay nag-orbit sa Buwan ay sa panahon ng misyon ng US Apollo noong 1960 at 70s.
Si Musk, na naging CEO ng electric carmaker na si Tesla, ay nagsabi na si Maezawa ay ” bravest person at best adventurer” at “kami ay masaya na pinili nya kami”
Ang SpaceX ay nagnanais na maghatid ng mga crew sa International Space Station gamit ang bagong space craft sa susunod na taon.
Ang kumpanya ay nagnanais na magpatuloy sa private space travel pagkatapos ng pagkakaroon ng knowhow sa pamamagitan ng mga manned flight. Ang Big Falcon Rocket ay kasalukuyang nasa development.
Source: NHK World
Join the Conversation