Nag-sanhi ng pag-guho ng lupa at pagka-wala ng kuryente ang nangyaring pag-lindol sa hilagang bahagi ng Hokkaido, Japan. Sunod-sunod din ang pagkaka-roon ng mga aftershock ng lindol. Libo-libong rescue teams ang kumikilos ngayon. Mayroong ulat na hindi bababa sa 48 katao ang sugatan at halos 20 katao ang nawawala.
Lumindolng bandang alas-3:00 ng umaga sa kanlurang bahagi ng isla. Ang pag-yanig na ito ay nag-sanhi ng pagka-wala ng kuryente sa nasabing bahagi ng isla. Ayon sa Meteorological Agency, tinatantyang nasa 6.7 magnitude nito.
Nilamon ng lupa ang ilang kabahayan sa lungsod ng Atsuma, isang lugar na malapit sa epicenter. Sa kasalukuyan, 10 katao na ang nai-ligtas sa pamamagitan ng helicopter. Ang pinangangambahan ng mga rescuers ay ang mga taong na-trap sa loob ng kani-kanilang tahanan.
Hindi pa alam ang eksaktong tala ng pinsalang natamo ng buong isla, ngunit makikita rito ang mga nagsi-bagsakan mga gusali, sira at bitak-bitak na kalsada.
Sinabi ni Prime Minister Shinzo Abe, “ang pamahalaan ay gumawa ng Emergency Task Force, upang mabigyan ng prayoridad ang search and rescue sa mga taong bayan.”
Nag-tayo ng mga evacuation centers ang iba’t-ibang lungsod sa isla. Gumamit ng backup power ang mga ospital habang ina-ayos ng mga mang-gagawa ang kuryente sa mahigit 3 milyong gusali sa nasabing lugar.
Ang Nuclear regulator ng bansa na Tomari Nuclear Power Plant ay gumagamit lamang ng backup power generator. Wala namang inulat na irregularities sa nasabing pasilidad.
Tumigil sa serbisyo ang mga pam-publikong transportasyon ng dahil sa lindol. Suspended ang serbisyo ng Shinkansen Bullet Train, ihininto rin ang mga serbisyo ng mga lokal na tren at serbisyo ng paliparan. Sinusuri na rin ng mga opisyes ng paliparan kung ligtas ba gamitin ang runway sa nasabing pasilidad.
Source and Image: NHK
Join the Conversation