NAGOYA
Ang mga papeles ay ipinadala sa mga prosekutor noong Martes laban sa dalawang magkapatid na may edad na 48 at 49, na aakusahan ang mga ito sa paglabag sa Anti-Cruelty Prevention at Welfare of Animal Law matapos silang mag-alaga ng 40 pusa sa kanilang munisipal na apartment sa Nagoya, Aichi Prefecture.
Ayon sa pulisya, inaalagaan ng magkapatod ang mga pusa sa kanilang apartment sa Kita Ward sa pagitan ng Abril at Hunyo 6, na hinahayaan silang mag breed sa hondi malinis na kundisyon, iniulat ng Fuji TV. Hindi pinahihintulutan ang mga alagang hayop sa pabahay ng munisipyo at ang mga kapitbahay ay nagreklamo tungkol sa amoy ng mga pusa. Natagpuan din ang dalawang patay na pusa na inilibing sa mga basura ng mag-kapatid na babae.
Ang isang order ng eviction ay inilabas noong Hunyo at ang mga pusa ay dinala sa isang sentro ng welfare para sa mga hayop.
Lumipat sila sa apartment noong Pebrero ng 2017.
Source: Japan Today
Join the Conversation