Ang mga ospital sa buong Japan ay gumamot ng higit sa 78,000 katao para sa mga sintomas ng heatstroke mula noong huling buwan ng Abril.
Sinabi ng Fire and Disaster Management Agency na 78,345 katao ang ginamot para sa mga sintomas ng heatstroke sa pagitan ng katapusan ng Abril at nitong huling Linggo. Iyon ay halos double ang kabuuang sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sinabi ng ahensiya na ito ay ang pinakamalaking bilang sa record para sa isang taon. Ang nakaraang mataas na na-record ay naabot noong 2013, nang ang mga ospital ay gumamot ng mahigit 58,000 katao para sa mga sintomas ng heatstroke sa pagitan ng Hunyo at Setyembre.
Noong nakaraang linggo lang, sinabi ng ahensiya na ang mga ospital ay may 7,000 katao na isinugod sa ospital, kabilang ang 596 sa Tokyo at 487 sa Osaka. Halos kalahati ng mga pasyente ay may edad 65 o mas matanda.
Sinabi ng ahensya na 6 sa kanila ang namatay at 2,334 ang na confine sa ospital.
Source: NHK World
Join the Conversation