Twin typhoon pa-pasok na sa mga bansang Japan at Korea

Paparating na 2 bagyo bago matapos ang linggong ito, may dalang malalakas na hangin.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Typhoon no. 20 at 21, inaasahang dumating ngayong linggo.

Nag-hahanda na ang mga bansang Japan at South Korea para sa parating na bagyo ngayong linggo.

Ang dalawang bagyo na pinangalanang no. 20 at 21 na dala ng West Pacific Typhoon Season, ay patuloy na lumalakas habang patungo sa pa-hilagang direksyon sa bansa.

Ang bagyong no. 20 o si Soulik ay inaasahang tumama sa Korean Penninsula nitong umaga ng Miyerkules, matapos baybayin ang  souther mainland, isla ng Kyushu, Japan. Kapag ang bagyo ay lumapag, makararanas ng malakas na hangin na di kukulang sa lakas na 200km/h

Ang Torrential Rains ay maaaring mag-dulot ng baha at storm surge na magiging dahilan ng pagkaka-roon ng Coastal Flooding.

Lilihis ng landas na tatahakin ang bagoyong no. 20 patungong North Korea. Ang nabanggit na bansa ay may kakulangan sa mga resources upang harapin ang paparating na kalamidad.

Maaaring maging malala ang sasapitin ng North Korea kaysa sa South Korea.

Samantalang, ang No. 21 (Cimaron)na bagyo ay nag-develope nitong nakaraang 24 na oras lamang. Kasalukuyang Tropical Storm na ito na may hangin na may lakas na 99 km/h.

Sa ngayon, patuloy ang pag-lakas ng tropical storm no. 21, at sa oras na ito ay lumapag sa Central Honshu inaasahang ito ay magiging bagyo na na may dalang hangin na may lakas na hindi bababa sa 165km/h.

Sa kasalukuyang balita tungkol sa lagay ng panahon, ito ay maaaring mag-dulot ng malakas na pag-ulan sa darating na Huwebes.

Pinag-aalalahanan rin na maaaring magka-roon ng flash flood sa mga kabundukan  sa Central Region habang ito ay daraan papuntang hilagang  bahagi ng isla.

Source and Image: Aljazeera

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund