Tumaas ng 4 na beses ang bilang ng kaso ng mga namatay dahil sa heatstroke sa Tokyo nitong Hulyo

Maraming namatay at naisugod sa ospital dahil sa matinding init na dala ng panahon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Litratong kuha nuong ika-16 ng Hulyo, 2018 ng mga batang nag-lalaro sa isang water park sa Tokyo.

Mahigit 96 katao na ang namatay dahil sa heatstroke sa 23 ward ng Central Tokyo nitong buwan ng Hulyo. Ayon sa Tokyo Medical Examiner’s Office, tinatantyang 4 na beses ang itinaas ng bilang ng mga napinsala kumpara sa kaparehong buwan nuong nakaraang taon.

Nasa 25 katao ang naitalang namatay nuong Hulyo ng nakaraang taon. Base sa mga ulat, tumaas ang bilang ng mga namatay na tao sa pagitan ng ika-17 at ika-25 ng Hulyo. Ayon sa opisyales, ang isa sa dahilan ng pag-taas ng bilang ay ng heatwave na naranasan ng buong bansa at ang landslide sanhi ng sunod-sunod na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Japan.

Halos 85.4 ang porsyento ang naitalang bilang ng mga taong nasa 60 o pataas na ang edad ang mga naging biktima ng matinding init ng panahon.

Ayon sa Fire and Disaster Management Agency nitong Martes, halos 57,534 katao sa buong Japan ang dinala aa ospital dahil sa heatstroke at heat exhaustion sa pagitan ng ika-30 ng Abril at ika-29 ng Hulyo, kabilang na rito ang 125 kataong binawian ng buhay.

Nag-tala ng pinaka-mataas na temperatura sa Japan nuong Lunes nang nakaraang linggo, umabot sa 41.1C ang naitalang temperatura sa lungsod ng Kumagaya sa prepektura ng Saitama na malapit lamang sa Tokyo.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund