Suga: Ang lumitaw na lalaki sa video ay malamang ang nawawalang journalist

Ang lalaki ay pinaniniwalaan na ang Japanese freelance journalist na si Junpei Yasuda, na nawala pagkatapos pumasok sa Syria noong 2015.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sinabi ng Chief Cabinet Secretary ng Japan na si Yoshihide Suga na itinuturing niya na ang lalaking lumilitaw sa isang online na video ay ang nawawalang journalist ng Japan.

Image: NHK World

Ang video ay na-post sa internet noong Lunes. Nagpapakita ito ng isang lalaki sa naka-orange na robe, na may 2 armadong militanteng may suot na maskara na nakatayo sa likod niya. Ang sinasabing bihag ay nagsasalita sa wikang Hapon ng mga 20 segundo.

Ang lalaki ay pinaniniwalaan na ang Japanese freelance journalist na si Junpei Yasuda, na nawala pagkatapos pumasok sa Syria noong 2015.

Sinabi ni Suga na ang gobyerno ay tinitiyak ang kaligtasan ng mga Japanese nationals sa ibang bansa bilang tungkulin nito, at patuloy itong nagsisikap na maghanap ng paraan upang ma-release ni Yasuda sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang mga channel.

Source: NHK World

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund