Simula sa Miyerkules, luluwagan na ng Japan ang visa requirements para sa mga Pilipinong bibisita sa Japan na ang dahilan ay pag-nenegosyo. Layunin ng Japan na i-promote ang pakimipag-palitan ng mga tao sa bansang Pilipinas.
Sinabi ng Foreign Ministry of Japan nitong Martes, ang maximum period of validity ng Multiple Entry Visa ng mga Pilipino ay mas pina-lawak mula sa kasalukuyang 5 taon ay magiging 10 taon na ito. Mapapa-lawak din ang sakop ng mga aplikanteng karapat-dapat magkaroon ng visa.
Ang mga Medical Doctor, Lawyer at Certified Public Accountant ay maaari rin magkaroon ng visa na napapaloob sa culture and intelectual figures, ito ay nilimitahan o pinag-higpitan ng Japan sa ilang mga trabaho tulad ng pag-giging propesor sa mga unibersidad.
Source and Image: Mainichi Japan
Join the Conversation