Sa Minami-Awaji, Prepektura ng Hyogo, ang pinaka-matandang Koala sa bansa ay pumanaw na sa edad na 22 anyos, ito ay lagpas na sa average lifespan ng isang Australian Marsipials.
Kung ihahambing sa edad ng tao, si Minami (babaeng koala) ay lagpas 100 taong gulang na. Ang life expectancy ng mga Koala ay tinatantyang aabog lamang ng hanggang 15 taon.
Inanunsyo ng mga opisyal ng Awaji Farm Park England Hill sa isla ng Awajishima nuong ika-6 ng Agosto ang pag-panaw ni Minami.
Natural na sanhi ang dahilan ng pagla-matay ng nasabing alaga. Si Minami ay unang dumating sa Farm Park nuong Marso, 2003.
Mayroon pang dalawang babaeng Koala na inaalagaan ang nasabing parke, ito ay sina Hikari at Midori na kapwa 21 anyos. Sa ngayon, sila na nag kinikilalang pinaka-matandang Koala sa buong bansa.
Si Minami ay regalo ng Western Australia upang markahan ang magandang samahan at relasyon nito aa nabanggit na prepektura.
Ayon pa sa mga opisyales ng pasilidad, patuloy na kumakain ng dahon ng Eucalyptus si Minami hanggang sa kanyang mga huling sandali. Hindi na rin ito masyado naka-gagalaw dahil sa mahinang pangangatawan.
Source: The Asahi Shimbun
Image: (Awaji Farm Park England Hill) Asahi Shimbun
Join the Conversation