Pilipino, umamin sa pagpatay sa Iranian na natagpuang patay sa hotel sa Toyama noong nakaraang taon

Pagkatapos makauwi sa Pilipinas ang suspect, na nasa kanyang thirties, napag-alaman na nahuli ito ng mga police sa Pilipinas sa ibang kaso ng illegal possession of firearms at ayon sa kanyang salaysay ay inamin niya na siya ang pumatay sa Iranian national sa Japan. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ito ay ang kaso ng isang Iranian national na natagpuang patay sa pananaksak sa isang abandonadong hotel sa Toyama Town, Aichi Prefectute noong Abril ng nakaraang taon.

Image: Mainichi.jp

Inimbestigahan ng prefectural police ng Nishi-Ebisijima police headquarters at naglabas ng arrest warrant sa kasong robbery murder at pag abandona ng bangkay sa isang Pilipino na suspect na mabilis na nakalabas ng bansa pagkatapos ang krimen.

Pagkatapos makauwi sa Pilipinas ang suspect, na nasa kanyang thirties, napag-alaman na nahuli ito ng mga police sa Pilipinas sa ibang kaso ng illegal possession of firearms at ayon sa kanyang salaysay ay inamin niya na siya ang pumatay sa Iranian national sa Japan.

Ayon sa imbestigasyon, nalaman na magkasama sila ng biktima na si Hermed Gambari (na noon ay 29 years old). Pumasok sila sa bandonadong hotel at doon niya sinaksak ang biktima, ninakaw ang mga droga at pera at iniwan ang bangkay ni Gambari sa hotel.

Subalit, sa pagitan ng Japan at Pilipinas, walang treaty na pinirmahan na masu-surrender ang mga suspect na tumakas, unless magtangka na pumasok ulit sa bansa ang suspect.

Source: Mainichi.jp

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund