Ibinunyag ng Kanagawa Prefecture Police nuong Biyernes na mahigit 2 dosenang mga convenience store at iba pang mga lugar sa nasabing prepektura ang naka-tanggap ng pekeng pera ngayong buwan, base sa ulat ng Yomiuri Shimbun (August 25).
Isang convenience store ang nag-issue ng babala ukol sa mga 10,000 yen na ang serial number ay nag-tatapos sa numerong 8589M, dahil ito ay napag-alamang peke.
Ngayong buwan, napag-alaman ng mga kapulisan ang 20 kaso ng pekeng pera (¥10,000). Ani pa ng isang convenience store, ang pag-kalat ng mga pekeng pera ay isang “outbreak”.
Ayon sa mga pulis, may isang lalaki na naka-suot ng itim na sumbrero ang nag-bulsa ng sukli mula sa ibinayad na pekeng isang lapad matapos bumili ng mumurahing item sa loob.
Kinumpirma na rin ng Koto, Sumida at Adachi Ward ng Tokyo at Saitama Prefecture ang pag-kalat ng pekeng pera sa kanilang lugar.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation