Patay na balyena nakita sa dalampasigan ng isang beach sa prepektura Kanagawa

Balyena nakitang patay sa dalampasigan ng isang beach sa Kanagawa Prefecture.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang walang buhay na balyena na may haba na 10.6 metro ang nakita sa dalampasigan ng Yuigahama Beach sa Kamakura, Kanagawa Prefecture nuong August 5,

Sa Kamakura, Kanagawa Prefecture, isang patay na balyena na may habang 10.6 metro ang inagos sa dalampasigan ng isang papular na beach resort nuong ika-5 ng Agosto.

Ayon sa mga eksperto mula sa Enoshima Aquarium sa Fujisawa at Pacific Coast ng Kanagawa Prefecture, na ang nakitang marine animal ay pina-niniwalaang kabilang sa pamilya ng baleen whale.

Namataan ang palutang-lutang na balyena bandang alas-2:30 ng hapon.

Agad na rumesponde ang mga pulis matapos i-report ng mga tao ang tungkol sa balyena. Agad din naman pumunta sa lugar ang mga eksperto mula sa tourism division ng munisipyo ng lungsod at Enoshima Aquarium.

Ang balyena ay inalon sa bandang kanlurang bahagi ng beach.

Ayin sa 49 taong gulang na may-ari ng isang surfer’s shop, wala pa raw siyang nababalitaang inanod na patay na balyena sa kanilang lugar. Ngunit sinabi ng mga taga-Enoshima Aquarium na hindi na bago sa Sagami Bay ang Whale Sighting. Ito ay damadaloy sa kahabaan ng Kamakura, Fujisawa at Odawara sa prepektura ng Kanagawa at Atami sa Shizuoka.

Nabanggit ng isang opisyales ng aquarium na nuong Hunyo, mayroon din nakitang palutang-lutang na patay na balyena sa dalampasigan ng Fujisawa Beach.

May nag-report na mayroong nakitang balyena na lumulutang at hindi na gumagalaw, sinabi ng isang opisyal.

Hindi rin malinaw kung ang balyena ay namatay dahil sa sakit o may pisalang natamo, dahil ito ay wala ng buhay nuong inanod sa dalampasigan.

  • Source and Image: The Asahi Shimbun
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund