TOKYO. Ang produksyon at pagbebenta ng likido na formula ng gatas ng sangol ay naaprubahan sa Japan noong Miyerkules, habang ipinatupad ng pamahalaan ang mga bagong patakaran sa kaligtasan para sa produktong nakita bilang kapaki-pakinabang sa kaganapan ng isang natural na kalamidad.
Habang ang likidong formula ay malawakang ginagamit sa ibang bansa dahil sa mas madal itong gamitin, ang bansang Hapon ay ipinagbawal ito dahil sa kawalan ng mga pamantayan sa kaligtasan. Ang powder baby formula, na dapat na dissolved sa mainit na tubig, ay karaniwang ginagamit sa halip.
Ang mga merit ng liquid formula ng gatas ng sanggol ay consumable sa room temperature at magagamit kahit na magkaroon ng kakulangan sa supply ng tubig, tulad ng panahon ng isang natural disaster.
Ang produkto ay napansin ng Japan nang ang Finnish Company ay inalok ang liquid formula bilang emergency aid noong 2016 sa mga tao sa timog-kanlurang prefecture ng Kumamoto na apektado ng isang malakas na lindol.
Dahil sa kadalian ng paghahanda, ang produkto ay inaasahan din na magiging popular sa mga tatay dahil mas madaling handain at mapapadalas na sila ang maghahanda ng pagkain ng kanilang anak.
Kasunod ng pagpapatibay ng mga bagong alituntunin, malamang na kukuha ng hindi bababa sa isang taon bago ang mga produkto ay maibebenta sa Japan habang kailangan ng mga kumpanya na kumpirmahin ang kanilang kaligtasan sa iba’t ibang paraan, ayon sa Japan Dairy Industry Association.
Source: Japan Times
Join the Conversation