Nagsa-gawa na ng imbestigasyon ang mga Saitama Prefectural Police, matapos matagpuan ang labi ng isang sanggol sa loob ng isa sa mga coin locker sa loob ng Sakado Station nuong Miyerkules, ito ay base sa ulat ng Asahi Shimbun (Aug. 28)
Bandang 3:20 ng hapon nang tumawag sa mga pulis ang isa sa mga staff ng Kita-Sakado Station, upang i-report na mayroong masangsang na amoy na nag-mumula sa loob ng isang coin locker.
Nang dumating ang mga awtoridad, natagpuan nila ang labi ng isang bagong silang na babaeng sanggol na naka-silid sa isang shoulder bag sa loob ng coin locker malapit sa ticket gate.
Ang sanggol ay walang saplot at walang bakas ng anumang sugat sa katawan. Ang sanggol ay pinaniniwalaang binawian ng buhay ilang oras bago ito matagpuan, sinabi ng Nishi-Iruma Police Station.
Sinisiyasat na ng mga awtoridad ang mga surveillance camera upang maka-kuha ng iba pang clue para sa ika-lulutas ng kaso. Sa ngayon ito ay itinuturing na kasong abandoning corpse.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation