Nasagip ng isang “Yakult Lady” ang isang matanda mula sa posibleng panloloko

Sa Tokyo, isang lalaki ang hinuli dahil sa kasong panloloko sa isang matanda.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Hiromasa Miyata, nag-panggap na representative ng isang Financial Services Agency.

Ayon sa ulat ng Nikkan News nuong August 8, dahil tulong ng isang babae na empleyado ng isang beverage company, hinuli ng mga Tokyo Metropolitan Police ang isang 35 anyos na lalaki dahil sa pag-tangkang panloloko sa isang ginang sa Suginami Ward.

Nuong umaga ng August 1, isang nasa 60 taong gulang na ginang ang naka-tanggap ng tawag mula sa isang tao na nagpa-kilala na representative ng isang Financial Services Agency at nag-sabi na ang bank card ng ginang ay may ibang gumagamit at kinakailangan na ito ay palitan.

Kumunsulta naman ang ginang sa isang babaeng empleyado ng Yakult Co. na tinatantyang na nasa 50 taong gulang, na nuong araw na iyon ay pumunta sa tahanan ng biktima upang mag-deliver. Ang nasabing Yakult Lady ay agad na ipinag-bigay alam sa awtoridad ang nalakap na impormasyon.

Nadakip naman agad ng mga awtoridad ang suspek na kinilala bilang si Hiromasa Miyata, sa kasong Suspicion  of Fraud nang ito ay pumunta sa tahanan ng biktima upang kolektahin ang bank card.

Isa sa mga nakumpiskang gamit sa lalaki ay isang ID ng Financial Services Agency na may larawan ng suspek.

Umamin naman ang suspek sa paratang sa kanya. Sinabi umano ng suspek sa mga pulis na “Naka-kita ako ng job listing sa Twitter na nag-aalok ng malaking halaga (¥30,000) “.

Source: Tokyo Reporter

Image: ANN News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund