Sinasabi ng labor ministry ng bansang Hapon na ang mga empleyado sa halos kalahati ng mga negosyo na sinuri ng mga kawani nito ay required ang mga staff na magtrabaho nang ilegal na mahabang oras.
Ang ministry ay nagsagawa ng inspeksyon sa 25,676 na establisimiyento ng negosyo sa buong bansa sa loob ng isang taon hanggang Marso. Sinama nila ang mga entities kung saan iniulat ang mga pagkamatay mula sa labis na trabaho.
Napag-alaman ng mga opisyal na ang mga empleyado ng 45.1 porsiyento ng mga lugar na kanilang sinuri ay kailangang magtrabaho ng ilegal sa loob ng maraming oras, lampas sa mga limitasyon na itinakda ng mga kasunduan sa labor management.
Sa 74 porsiyento ng mga lugar na ito, ang mga empleyado ay nagtrabaho ng higit sa 80 oras na overtime bawat buwan. Ang mga panganib sa kalusugan ay pinaniniwalaan na tataas kung masosobrahan sa overtime
Sinasabi ng mga opisyal na ang isa sa mga pinaka-malalang kaso ay 310 oras ng buwanang overtime.
Ang isang bagong batas na pinagtibay ng Diet noong Hunyo ay binigyan ng limitasyon ang overtime na may kaparusahan sa mga lalabag nito. Ito ay magkakabisa sa mga malalaking kumpanya sa Abril sa susunod na taon, at sa maliliit at katamtaman na mga kumpanya ay sa susunod na isa pang taon.
Source: NHK World
Join the Conversation