Mga estudyante dumaranas ng heatstroke sa mga paaralan dahil sa kakulangan sa air-conditioner, mga hakbang sa pag-iwas

Ang mga mag-aaral mula sa elementarya hanggang sa highschool ay paulit-ulit na ipinadala sa ospital sa gitna ng nakamamatay na heatwave dahil sa mga sintomas ng heatstroke.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang mga mag-aaral mula sa elementarya hanggang sa highschool ay paulit-ulit na ipinadala sa ospital sa gitna ng nakamamatay na heatwave dahil sa mga sintomas ng heatstroke, ang mga istatistika ay nagpapakita na ang ilang mga paaralan ay hindi lamang may kakulangan sa air-conditioner, kundi pati na rin sa sapat na sistema upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata.

Isang semester-end ceremony bago mag summer break sa Nagoya Municipal Elementary School in Nagoya’s Nishi Ward, noong July 20, 2018. (Mainichi)

Sa maraming mga pagkakataon para sa mga mag-aaral na bisitahin ang kanilang paaralan sa panahon ng summer vacation, tulad ng paggamit ng swimming pool ng pasilidad at para sa mga extra-curricular activities, ang mga magulang nag-aalala tungkol sa kung ano ang maaaring gawin upang mapanatili silang ligtas sa gitna ng matinding init.

“Kailangan ng mga guro na maging aware sa pagiging bulag sa normalcy bias,” sabi ng mamamahayag na si Toshimasa Ota, na dalubhasa sa edukasyon. Normalcy bias ay isang phsycological phenomenon na nagiging sanhi ng mga tao upang maliitin ang negatibong mga kadahilanan, kahit na sa mga sitwasyon na nagbabanta sa buhay ng tao, upang manatiling kalmado. Pinayuhan niya ang mga paaralan na “itakda ang mga alituntunin alinsunod sa mga temperatura at humidity, kaya ang mga guro ay sinenyasan na gumawa ng mga desisyon,”.

Maraming mga paaralan na walang mga air conditioner. Ayon sa isang pananaliksik sa Ministri ng Edukasyon, Kultura, Palakasan, Agham at Teknolohiya noong Abril 2017, isang average na 41.7 porsiyento ng pampublikong elementarya at junior high school sa Japan ang nag-install ng air conditioner unit.

Sinabi ni Ryo Uchida, propesor ng phsycology education sa graduate school ng Nagoya University, “Ang air conditioner ay mga pangunahing kagamitan na maaaring hadlangan ang mga bata sa kahirapan ng init.” Ayon kay Uchida, mayroong malinaw na hatian sa pagitan ng mga munisipyo na nag-install ng mga air-conditioner sa mga paaralan at mga lugar na hindi. “Lubhang di-makatarungan ito. Ang problema ay dapat harapin ng pamahalaang sentral gamit ang subsidies at iba pang paraan.”

Ang mga magulang at guro ay nababahala sa sitwasyon. Isang 39-anyos na ina na may isang third-year elementary school boy sa Tokyo ang nagsabi, “ako ay nagulat sa kawalan ng awareness sa paaralan.” Noong ang kanyang anak na lalaki ay pinahihintulutan naa-exempt sa paglangoy sa pool dahil sa mga isyu sa kalusugan, inutusan siyang umupo at manood mula sa gilid ng pool na walang bubong o lilim ng halos dalawang oras. “Na pwede namang sabihin sa kanya na mag-aral sa library o sa silid-aralan.”

Ipinaliwanag ni Uchida,  “Sa halip na balewalain ang mga isyu dahil sa mga patakaran o mga tradisyon, ang sitwasyon ay dapat muling suriin pagdating sa pagpapasiya para sa kaligtasan ng mga mag-aaral”.

Source: Mainichi

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund