Sinabi ng mga opisyal sa Tokyo, mahigit 1,400 na armas at 1,200 sandanta na pinaniniwalaang ginamit nuong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nadiskubre sa lupain ng isang paaralan sa Nishitokyo nuong Lunes.
Mayroon din mga Granada, Bala ng Baril at Canonballs na naka-baon ng 1 o 2 metro sa ilalim ng lupain ng Tanashi Elementary School sa Lungsod ng Nishitokyo.
Ang pag-bungkal ng lupain ng paaralan nitong buwan ng Hulyo dahil sa pagpapa-ayos ng gusali ng paaralan kung saan na-diskubre ang mga nabanggit na armas at sandata.
Agad nakipag-ugnayan ang paaralan sa mga awtoridad at Self-Defense Forces. Inalis sa lupain ng paaralan ang mga nakuhang armas at sandata, sinabi nito na posibleng ito ang mga itinapong armas at sandata pagka-tapos ng digmaan nuong taong 1945.
Sa bansang Japan, hindi na bago ang maka-diskubre ng mga hindi pumutok na mga bomba na itinanim sa ilalim ng lupa at minsan sa ilalim ng ilang mga residential area.
Ngunit ang maka-diskubre ng napaka-raming armas at sandata na ginamit ng Imeprial Japanese Army nuong digmaan sa iisang lugar ay bihira lamang.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation