Ang Japanese manga artist na sikat sa kanyang karakter na Chibi Maruko-chan ay sumakabilang buhay na. Ayon sa pahayag ng kanyang opisina, siya ay namatay dahil sa sakit na breast cancer noong Agosto 15. Siya ay 53 taong gulang.
Si Momoko Sakura mula sa Shizuoka Prefecture ay gumawa ng kanyang debut bilang manga artist noong 1984.
Noong 1986, nagsimula siyang gumuhit ng serye ng Chibi Maruko-chan, na naglalarawan sa kanyang sariling pagkabata.
Noong 1990, sinimulan ang isang commercial TV broadcaster ang pag-ere ng animated na bersyon ng serye. Sa halos 30 taon, ang programa ay nasa ere pa rin at isa sa pinakasikat na serye ng TV sa Japan.
Sinulat ni Sakura ang lyrics para sa closing theme song ng palabas, na naging isang malaking hit. Ang kanyang mga essay ay naging mahusay din ang benta.
Sa Lunes, ang kanyang opisina ay nag-ulat ng isang komento na ginawa ni Sakura noong 2014 nang markahan niya ang kanyang 30 taon sa negosyo.
Dito, sinabi niya na nakaranas siya ng maraming mabubuting bagay at maraming hamon sa nakaraang 30 taon. Sinabi niya na siya ay humantong sa isang masayang buhay bilang isang author at nagpapasalamat siya sa lahat ng tao.
Join the Conversation