Sa Tokyo, mga english speaking AI Robots ang itatalaga sa mahigit na 500 na silid-aralan sa bansa simula sa susunod na taon, dahol nais maipa-buti ng bansa ang kakayahan ng mga estudyante at mga guro sa wikang Ingles.
Auon sa isang opisyal ng AFP, nag-paplano ang Education Ministry na magsa-gawa ng isang paunang proyekto na nagkaka-halaga ng mahigit na 250 milyong yen upang mapa-unlad ang mahinang kakayahan ng mga hapon sa pananalita at pag-susulat ng wikang Ingles.
“Ang mga AI Robots na nakikita sa kasalukuyan ay may iba’t-ibang mga function. Halimbawa nito ay, maaaring i-check ng robot ang pag-bigkas ng mga mag-aaral ng mga salitang Ingles, dahil hirap din ang mga guro sa tamang pag-bigkas nito.”, ayon sa isang taga-pangasiwa ng International Education na naki-usap na huwag siyang pangalanan.
Dagdag pa nito ay, ang mga AI Robots ay isa lamang halimbawa ng nasabing Trial Project. Nagpa-plano pa rin kami ng ibang mga hakbang pa tulad ng pag-gamit ng mga tablet apps at pagka-karoon ng online lessons mula sa mga native speakers.
Ang nasabing plano ay kaugnay sa pag-palit ng National Curriculum sa darating na 2 taon, kung saan na na-atasan ang mga mag-aaral na nasa 10 taong gulang na matutunan ang wikang Ingles.
Nahihirapan ang mga paaralan sa japan na kumuha ng mga qualified na guro upang mag-tiro ng araling Ingles at wala ring sapat na pinasyal na pondo ang mga ito upang kumuha ng mga Trained Language Assistants. Ilang Primary at Middle school ang nag-umpisa nang gumamit ng maka-bagong teknolohiya sa kanilang English lessons sa pamamagitan ng pag-gamit sa AI Robots na naka-program na mag-salita ng wikang Ingles.
Sa kasalukuyan, ang pag-aaral ng wikang Ingles ay compulsory sa mga mag-aaral na nasa edad na 12-15 taong gulang, ngunit sa taong 2020 ito ay babaguhin at sisimulan ng turuan ang mga estudyante sa primary school levels.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation