Ang bansang Japan ay mag-lalabas ng commemorative coin na gawa sa ginto at tanso sa susunod na taon, upang ipagdiwang ang ika-tatlongpung taong pag-hahari ni Emperor Akihito, sinabi ng Finance Ministry nuong Martes.
Ang mga ii-issue na barya ay ¥10,000 at ¥500 na ilalabas sa masa mula Pebrero hanggang sa pag-baba ng trono ng 84 taong gulang na Emperor na naka-schedule sa katapusan ng Abril.
Ito ay nilalayon upang maging collectors item. Ang ¥10,000 na barya ay gawa mula sa 20 gramong purong ginto. Ang isa nito ay nagkaka-halaga ng ¥138,000.
Ang ministro ay mag-iissue ng 50,000 pirasong gold coins. Ang disenyo sa magka-bilang side nito ay Phoenix at Imperial Chrysanthemum Seal. Maaaring magpa-reserba ng nasabing gold coin mula sa ika-1 ng Nobyembre.
5 milyong piraso naman ang ilalabas na ¥500 copper coin. Ito ay mag-tatampok ng isang pambihirang two-toned construction at isang larawan ng karwahe na ginamit ni Emperor Akihito at Empress Michiko sa kasal nila nuong 1959.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation