Lisensya sa pagmamaneho sa Japan, papalitan ng western style na petsa

Papalitan na ng western style calendar ang mga expiration date sa driver's license.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Petsa ng pagka-walang bisa sa Lisensya sa Pagmamaneho, papalitan na.

Mula sa ipinakitang revised traffic law regulation nuong huwebes, magka-karoon ng pag-babago ang lisensya sa pag-mamaneho ng Japan, ang expiration date ng lisensya ay papalitan ng western calendar. Sa kasalukuyan Japanese calendar pa rin ang gamit sa nasabing lisensya.

Kasali rin sa nasabing draft ng revised traffic law regulation,na ipinapa-tupad ng National Police Agency ang pag-apruba na mag-suot ng Hijab ang driver habang kinukuhaan ng I.D picture.

Ayon sa ahensya, napag-pasyahan ang nasabing pag-babago dahil, dumarami umano ang mga dayuhang residente na nagka-karoon ng lisensya sa pag-mamaneho.

Ngunit, maliban sa expiration date ng lisensya, ang ibang petsa naka-lagay dito tulad ng kapanganakan ng driver ay mananatiling naka-Japanese calendar.

Pina-plano ng ahensya ng kapulisan na simulan ang pina-bagong batas trapiko sa susunod na buwan matapos marinig ang opinyon ng publiko.

Maaaring sa susunod na Marso o sa mga susunod pang buwan mai-implement ang mga lisensyang mayroon western year na expiration date.

Sa kasalukuyan, kapag pina-hintulutan ng pulis, maaaring gumamit ang mga driver ng mga litrato na sila ay naka-sumbrero o piluka. Ngunit kina-kailangan nila tanghalin ang mga ito kapag I.D Picture ang kukuhain.

Ang bagong panukala ay nag-bibigay pahintulot sa mga driver na mag-suot ng sumbrero o damit dahil sa usaping pang-medikal o relihiyon. Kinakailangan lamang na naka-labas ang kabuoang ng  mukha.

Ayon sa ahensya, tumaas umano ang bilang ng mga dayuhang residente na nagkaroon ng lisensya sa pag-mamaneho. Mula 737,000 nuong taong 2012 ito ay umabot sa 868,000 nitong nakaraang taon.

Source: The Mainichi

Image: Image Bank and The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund