Layunin ng gobyerno ng Japan na dagdagan ang bilang ng mga hotel na mayroong wheelchair accesible na mga kwarto, bago pa sumapit ang 2020 Tokyo Olympics and Paralympics, sabi ng isang source na may alam tungkol sa nabanggit na usapin nuong Miyerkules.
Naka-saad sa plano ay ang mga operators ng mga hotel at inns na bagong tayo pa lamang na mayroong 50 o mahigit na bilang ng mga kwarto ay kinakailangan na magkaroon nang at least 1 porsyento ng barrier-free na mga kwarto mula ngayong Septyembre, 2019. Kumpara sa kasalukuyang regulasyon na nagre-require lamang ng 1 kwarto na barrier-free.
Ang kasalukuyan at pina-planong binagong regulasyon ay hindi mai-aapply sa mga existing hotel at establisyamento.
Ina-aksyonan ng Tokyo ang nasabing plano dahil ang pag-sisikap na gawing accessible ang mga hotel sa mga wheelchair user ito ay nagiging matumal, katulad lamang ng nangyayari sa pasilidad ng mga Public Transportation sa bansa.
Base sa statistics ng Land, Infrastructure, Transport at Tourism Agency umabot sa 87.2 porsyento ng mahigit na 3,000 pasahero ng mga train station at airport sa bansa ang ang gumagamit ng mayroong wheelchair user at barrier free na pasilidad mula pa nuong Marso, 2017.
“Ang wheelchair accessible guest room ay dapat mayroong 80 cm wide na entrance at barrier free na palikuran.” paliwanag ng gobyerno.
Ayon sa ilang kritiko, hindi malinaw kung ang bagong pamantayan ay mapapa-buti sa accessibility ng mga wheelchair user sa mga hotel, kung hindi naman kasali ang mga existing facilities sa nasabing plano.
Upang pag-sikapan ng mga hotel operators ang pagsasa-ayos ng kanilang pasilidad upang gawing wheelchair user friendly, ang pamahalaan ng Tokyo Metropolitan at Japan Tourism Agency ay tutulong sa gastusin upang maisa-gawa ang proyekto at ito ay maging barrier free.
May mga ilang hotel sa Tokyo ang nag-dadalawang isip tungkol sa pagpapa-ayos ng kanilang pasilidad dahil mataas ang rate ng mga tumatangkilik sa kanilang establisyemento sa gitna ng lumalaking bilang ng mga banyagang turista sa kabisera.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation