Share
https://youtu.be/s3P2QMgl2vk
Nagkaroon ng isang aksidente sa ilog ng Shirakawa-cho sa Gifu Prefecture.
Dalawang lalaki na magkasama sa kanilang part-time na trabaho mula sa gupo ng 9 katao ang nalunod sa Shirakawa sa bayan ng Izumi Shirakawa bandang 2:30 ng hapon ng ika-26 ng Agosto.
Ang dalawang tao ay nasagip ng ibang grupo na nandoon at nakakita sa buong pangyayari ngunit ang 24-taong-gulang na estudyante sa kolehiyo na naninirahan sa lungsod ng Nagoya na isang Nepali ay walang malay at nasa malubhang kalagayan.
Ang Pilipino naman na 20-taong-gulang na estudyante at isang 42-taong-gulang na lalaking tumulong sa pagsagip ay dinala din sa ospital, sila ay mayroong malay at nasa mabuting kalagayan.
Source: CBC News
Join the Conversation