Isang 16 anyos na estudyante ang nabangga ng tren at binawian ng buhay sa isang crossing sa Oyama, Tochigi Prefecture nitong nakaraang Lunes ng gabi.
Ayon sa mga pulis, nangyari ang insidente sa crossing ng JR Utsunomiya Line bandang alas-10:00 ng gabi mula sa ulat ng Fuji TV. Sinabi ng driver ng tren na may nakita siyang tao sa riles ng tren kung kaya’t agad-agad siyang nag-emergency brake ngunit sa kasamaang palad ito ay hindi na naka-hinto sa tamang oras. Naka-baba ang mga gate sa crossing nuong mga oras na iyun.
Ikinumpirmang patay sa lugar ng insidente ang biktima, wala naman nasaktan sa mga pasahero ng nasabing tren.
Sinabi ng mga pulis na hindi nila alam kung bakit nasa crossing ang biktima. Lunes ang unang araw ng pag-pasok sa eskwela matapos ang summer vacation. Ito ay panahon na kung saan mataas ang tala ng mga estudyanteng nagsu-suicide.
Source: Japan Today
Image: WikiVisually
Join the Conversation