Ipina-kita na sa masa ng Imperial Household Agency ang kasalukuyan pagsasa-ayos ng 6.5 metro kataas na imperial throne na naka-lagok sa palasyo sa Kyoto.
Ang isinasa-gawang pag-aayos ay bilang pag-hahanda sa pag-hirang sa crowned prince bilang bagong Emperor ng Japan. Ang seremonya ay gaganapin sa Imperial Palace sa Tokyo sa darating na ika-22 ng Oktubre sa susunod na taon.
Ang trono ay binubuo ng mahigit 1,500 na parte. Isa-isa itong sisiyasatin, aayusin at muling dadalhin sa Tokyo.
Nuong Lunes, isa-isa nang dinis-karil ng mga mang-gagawa ang vermilion-lacquered railings at hagdanan.
Opisyal nang ipapahayag ng crowned prince ang kanyang pag-upo sa trono bilang susunod na Emperor ng bansa.
Ang trono ay orihinal na ginawa para sa dating emperor na si Emperor Taisho nuong taong 1912, ang sumunod na gumamit nito ay si Emperor Showa na sinundan ng kasalukuyan emperor na si Emperor Akihito.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation