Ex-Saitama Assemblyman, inakusahan ng maling pag-gamit ng pondo

Ex-assemblyman sa Saitama, dumispalko ng pondo ng gobyerno.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Tsutomo Sawada

Ang dating miyembro ng Saitama Prefectural Assembly ay na-akusan ng maling pag-gamit ng pondo ng gobyerno sa loob ng 5 taong panloloko (scam). Ito ay inilahad ng mga imbestigador at Saitama Prefectural Police, ayon sa ulat ng Yomiuri Shimbun (Aug. 27).

Sa pagitan ng mga taong 2011 hanggang 2016, si Tsutomo Sawada (50) ay gumawa ng pekeng mga order slip ng mga stamps, leaflets at iba pang mga promotional materials mula sa isang kumpanya sa lungsod ng Saitama habang siya ay miyembro ng assembly. Sa ginawang panloloko ni Sawada, siya ay nag-prisinta ng mga pekeng resibo upang mai-bulsa ang mahigit 12 milyon yen na pondo ng gobyerno mula sa pekeng mga order.

Si Sawada ay ipinadala sa prosekyutor sa Saitama District Public Prosecutor nuong ika-24 ng Agosto dahil sa hinalalang panloloko at pamemeke ng mga dokyumento. “Ako ay na-meke ng dokyumento dahil naubos na ang pondo mula sa gobyerno.” pag-amin ni Sawada sa mga alegasyon sa kanya.

Lumitaw ang usapin nuong buwan ng Hulyo habang si Sawada ay naka-pwesto para sa kanyang ikalawang termino sa Assembly. Matapos ipasa ang kanyang resignation, siya ay nag-balik ng 5.45 milyon yen.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund