Inaresto ng Police sa Nagoya, Central Japan, ang isang university student sa hinalang ilegal na paggawa ng isang malakas na bomba, na kilala bilang TATP.
Dinala ng pulis ang 19-anyos na lalaki sa prosecutors noong Martes, isang araw matapos ang pag-aaresto sa kanya. Ang TATP, o triacetone triperoxide, ay ginagamit sa pag-atake ng mga terorista sa ibang bansa.
Ayon sa investigators nabanggit ng suspect na interesado siya sa mga bomba at nais niya lamanh tignan ang kanyang kakayahan na makagawa nito
Ang estudyante ay pinaghihinalaang gumawa ng 57 gramo ng TATP sa kanyang bahay sa huling bahagi ng 2016, noong sya ay estudyante sa higschool. Siya rin ay di-umano’y nagdala ng ilan sa mga explosive sa isang park malapit sa kanyang bahay sa Nagoya ito nakaraang Marso.
Hinalughog ang kanyang bahay at nakitaan ito ng isa pang mas malakas na explosives. Sinasabi nila na ang ilegal na produksyon o pagmamay-ari ng explosives ay hindi pa nakukumpirma sa bansang Japan
Pinaghihinalaang nila na sinusubukan ng estudyante na magpatuloy sa produksyon kahit hinalughog na ng pulis ang kanyang bahay noong Abril.
Source: NHK World
Join the Conversation