Inaresto ng Kumamoto Prefectural Police nuong nakaraang linggo ang 49 anyos na lalaki na isang empleyado sa nursing home sa Nishi Ward ng lungsod ng Kumamoto, matapos asultuhin ang isang disabled na matandang babae sa loob mismo ng pasilidad, ayon sa ulat ng Asahi Shimbun.
Bandang hating gabi ng August 7, paulit-ulit na sinuntok ni Kenichiro Kurisaki ang sikmura ni Yotsuko Miyamoto, 88 taong gulang sa dining room ng Group Home Yushi San-Chome.
Nawalan ng malay si Miyamoto makalipas ang 30 minutos matapos ang brutal na pananakit. Kinumpirmang namatay ang biktima dahil sa Hemorrhagic Shock dala ng internal bleeding sanhi ng panununtok ng suspek.
Nag-salita rin ang ilang medical staff sa naturang paalagaan na nakikitaan nila ng mga pasa sa katawan ang biktima.
Si Miyamoto ay nagkaroon ng Demetia 8 taon na ang nakararaan. Sinuri ng mga awtoridad ang surveillance camera at duon nakita ang brutal na pananakit ng suspek sa kaawa-awang biktima.
Pagka-lipas ng tatlong araw, inaresto ng mga awtoridad si Kurisaki sa salang Manslaughter. Ayon sa mga pulis, umamin naman ang suspek sa mga paratang na inihain sa kanya.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation