Dahil sa maling pag-lapag ng isang eroplano, isinara ng Narita Airport ang isa sa kanilang runway

Maling runway na pinasok ng isang international flight aircraft, nag-dulot ng aberya sa Narita Airport.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Kuha ng Air Canada matapos lumapag sa maling runway

Isinara ng Narita Airport na malapit sa Tokyo ng ilang oras ang isa sa dalawa nitong runway nuong Lunes dahil sa maling pag-lapag ng isang eroplano.

Umabot ng mahigit na 5 oras bago pa maka-baba ang mga pasahero ng Boeing 787 mula sa Montreal-Trudeau International Airport. Nag-kamali umano ng pag-pasok ng runway ang eroplano. Ang napasukang runway ay kasalukuyang under-construction. Lumapag sa nasabing runway ang eroplano bandang alas-3:45 ng hapon.

Ayon sa Ministry of Land, Infrastructure Transport and Tourism, ang eroplano ay mayroong mahigit 210 na pasahero kabilang din dito ang cabin crew members.

Ilan sa mga pasahero ay mga miyembro ng Japan’s National Men’s Underwater Hockey Team, na nuo’y pauwi mula sa pag-dalo sa World Championship na ginanap sa Canada.

“Nag-alala ako ng husto dahil mahirap intindihin ang in-flight announcement at hindi rin malinaw kung kailan matatapos ang sitwasyon.” sinabi ni G. Kazuhito Saito, team coach.

Ang eroplano ay na-stranded sa taxiway malapit sa runway B ng Narita. Kakaunan, sng eroplano ay hinatak ng mga sasakyan matapos lataran ng metal sheets ang magaspang na kalsada.

Dahil sa biglaang pag-sara, ikinansela ng JetStar Japan ang 6 na domestic flight nila. Samantalang ang ilang flights ay napilitang lumapag sa iba’t-ibang airport, ani ng operator sa airport.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund