Arestado ang isang Pilipina sa kasong fraud upang makatanggap ng birth allowance

Ang Pilipina ay nagsumite ng mga maling impormasyon sa city hall upang makatanggap ng lump sum sa birth allowance.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Noong Lunes (6) isang babaeng Filipina ang naaresto ng pulisya ng Toyohashi (Aichi). Nakilala siya bilang si Maharlika Singson, 29, isang manggagawa sa tindahan at residente ng Denbo, sa lungsod ng Fuji (Shizuoka).

Image: Pixabay

Si Maharlika ay pinaghihinalaang nagsumite ng maling impormasyon sa aplikasyon ng direktang paraan ng pagbabayad ng lump sum ng allowance sa panganganak. Noong Oktubre 30 noong nakaraang taon ay nagsumite siya ng kahilingan sa Toyohashi prefecture nang ipinalam niya na nanganak siya ng kambal sa kanyang sariling bansa.

Napatunayan ng clerk ang kanyang mga appointment sa pamamagitan ng pag check sa history ng health insurance kokumin kenko hoken. Natuklasan na hindi siya pumunta o kumunsulta sa kahit saang gynecologist obstetrician.

Pinagdudahan nila na nagsisinungaling ito kaya’t iniulat nila ang kaso sa pulisya at sinampahan siya ng kasong fraud sa city hall.

Ano ang tulong na ito?

Sa bansang Hapon may isang sistema ng subsidy upang masakop ang mga gastos sa ospital kapag nanganganak. Ito ay tinatawag na “direktang sistema ng pagbabayad para sa kabuuang kabuuan ng allowance ng panganganak”, kung literal na i-translate sa Tagalog.

Sa wikang Hapon ito ay 出産 育 児 一時 金,  shussan ikuji ichijikin.

Ang lahat ng mga babaeng nanganak ay may karapatang makatanggap ng allowance na ito sa city hall. Ang halagang binabayaran ay 420,000 yen bawat bata. Magiging doble sa kaso ng twins.

Source: Sankei Image: Pixabay

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund